NAGSIMULA ang draw at pangalawang tinawag ang Boutique ni Jenny, at kami naman ay pang-anim. Hanggang sa nagsisimula na ang unang team. Magaganda ang kanilang mga gown na pang kasal. Pero kahit papaano ay hindi rin naman mapag-iiwanan ang design namin. Sa event na ito ay binigyan kami ng limang kategorya na dapat naming ipresenta; Una, wedding gown. Pangalawa, sports attire. Pangatlo, summer attire. Pang-apat, elegant attire, at ang pang-lima ay ang tuxedo attire. Habang abala ang mga modelo sa paglalakad sa gitna ng entablado ay abala naman ang aming team sa paghahanda. Halos hindi naman ako mapakali sa aking inuupuan dahil nakita ako ang mga attire ng team one na magaganda ang gawa nila. Bagkus napansin ko na kulang ito sa karisma. Hanggang ang team na ni Jenny ang nasa entablado, may