Halos limang minuto lang ang itinagal ng biyahe nila mula sa bahay ni Kraven papunta sa sariling niyang bahay na nasa sa loob lang din ng The Secret Village. Buong biyaheng hawak ni Dylan ang kamay ni Aleesha upang siguraduhin na hindi siya nananaginip. Upang ipaalam sa sarili na nandito nga ito sa tabi niya at magkakasama na sila. Baka kasi nananaginip lang siya. Kaytagal ng hinintay ni Dylan na magkasama silang muli ni Aleesha. “We’re here,” pagbibigay -alam ni Dylan kay Aleesha matapos huminto ang kotse niya sa tapat ng gate ng bahay niya. Ilang bahay din ang pagitan nito mula sa bahay ni Kraven. Sa labas gumarahe si Dylan dahil ayaw niyang maistorbo ang katiwala niyang si Aling Desiree. Matanda na ito kaya ayaw itong istorbohin ni Dylan sa pagpapahinga nito. Kasama ng katiwala niya an