*** Tulad nga ng sinabi ng magkapatid ay may sumundo kay Aleesha kinahapunan ngunit laking pagtataka niya nang mapagsino iyon. It was Austin, one of Dylan’s teammate. Nakapormal ang suot nito at mukhang a-atend ng party. Ang buhok nito ay maayos na naka-style na angkop na angkop sa guwapo nitong mukha. Bigla niyang naisip ang dadaluhang auction party. Is he attending? Bumaba siya sa building upang sa lobby ito hintayin, ito ang bilin sa kanya ni Leyana. Ngumiti si Austin nang makita siya at kaagad na bumaba ng kotse upang pagbuksan siya ng pinto, sa backseat. Ngunit hindi natinag si Aleesha sa kinatatayuan dahil ayaw niyang sa backseat umupo. “You are not my driver, and I am not your passenger.” Sa passengers seat siya umupo at hindi pinansin ang sintemiyento nito. Wala itong nagaw