Chapter 79°

1758 Words

Third Person's POV Ipinarada ni Zaida ang sasakyan sa kanilang garahe. Kinuha pa muna niya ang kanyang shoulder bag na nakapatong sa passenger's seat at pagkatapos ay tuluyan nang bumaba ng kotse. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng bahay nang bigla na lang may mga kamay na humawak sa magkabila niyang baywang. Nagulat na lang siya nang buhatin siya ng may-ari ng mga kamay na iyon at dalhin sa pinakadulong bahagi ng garden. Ang puwesto na iyon ang pinakamadilim na lugar sa buong kabahayanan. Konti lang ang liwanag na naabot nito buhat sa ilaw ng poste, gano'n pa man sapat na ang liwanag na iyon para mapag-sino niya ang taong may kagagawan nito. Marahas siyang ibinaba ng mga kamay na iyon. Medyo nauga pa ang katawan niya at muntik pa siyang ma-out of balance dahil sa walang pag-iinga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD