Third Person's POV Hindi lubos maisip ni Grey kung bakit nagawa siyang pagsinungalingan ni Zaida. Naroon siya sa kanyang mini bar at nag iisip. Wala naman siyang balak na magpakalasing gusto lang niya na lumagok ng ilan bago matulog. Ang dami nang gumugulo sa kanyang isipan, katulad ng paghihiwalay nila ni Lindsey at ang pagsisinungaling sa kanya ni Zaida. Ang gusto lang niya ay makatulog ng maayos at alak lang naisip niyang solusyon. He takes three shots of wine then go to his bed after. Maaga siyang gumising kinabukasan. Mayroon siyang meet and greet para sa kanyang mga fans, pagkatapos no'n ay may contract signing siya para sa renewal of contract under KT Entertainment and another signing of contract para naman sa bago niyang RomCom movie. Inabala niya ang sarili sa pagta-trabaho.