Third Person's POV Maaga pa lang ay inasikaso na ni Zaida ang almusal ni Grey kahit naman sa papel lang ang kanilang kasal ay ginagampanan parin niya ang obligasyon niya bilang asawa nito. Katulad na lang ngayon tatlong araw itong mawawala para sa shooting ng pelikula nito na gaganapin sa Japan. Hinanda na niya lahat ng mga damit, sapatos, accessories, toiletries at iba pang mga bagay na dadalhin ng asawa. Natanggal na ang cast ni Yanis sa tulong ng physical therapist na araw-araw bumibisita sa bata ay unti-unti ng bumabalik, hanggang sa naging normal na ang paglalakad nito. Lalo itong naging makulit ngayon ngunit, doble ingat naman ang ginagawa nilang pag-aalaga rito para hindi na maulit ang nangyaring aksidente noon. Hindi man sanay ay nagawa ni Zaida na sabayan sa almusal ang kanyang