Third Person's POV Matapos ang maghapong trabaho sa BLACK ay dumiretso si Zaida sa mansion ni Florie, birthday nito at naghanda ng konti para lang sa kanilang malalapit na kaibigan ng sikat na fashion designer. Naabutan niya sina Florie, Leny at Dane na nasa dining area, nakapwesto sa mahabang lamesa at kumakain. Maraming masasarap na pagkain na nakahain at nakaramdam na ng gutom si Zaida. Agad siyang lumapit kay Florie. Yumakap siya rito at hinalikan ito sa pisngi. "Happy Birthday sa pinakamaganda kong bestfriend!" masayang bati niya rito sabay abot ng paper bag rito na may tatak na Gucci. Regalo niya para sa kaarawan nito. " Thank you! Nag abala ka pang mag-regalo sana kinash mo na lang o kaya nagdala ka nalang dito ng gwapong boylet, ang pangit ka-bonding ng dalawang 'to," reklamo