Third Person's POV " Are you okay?" tanong ni Luther kay Zaida. Napansin kasi niya ang pananahimik nito. Pumasyal sila sa boutique nito para makita ang progress ng construction. Malapit ng matapos ang paggawa ng buong building. "Huh!" Bumalik sa kaniyang wisyo si Zaida at nabaling ang tuon niya kay Luther. "Yes, I'm good!" aniya rito. Nagdududang mga tingin naman ang ipinukol nito sa kaniya. " Do you have a problem? Do you want to talk about it? I'm willing to listen," presinta nito. Natigilan si Zaida. Ilang araw na ang nakakalipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon sa kanila ni Grey. Hindi parin tumitigil ang lahat na maghalungkat ng issue tungkol sa kanila. Lumabas narin sa mga article ang pagiging stylist niya noon ng binatang aktor at iba pang mga issue at espekulasyon. Na