Third Person's POV "Wow! Blooming ka, ah! May nangyari naba sa inyo ni Architect? Mukhang nadiligan ka, eh," pilyang tanong ni Leny kay Zaida. Nagkita ang dalawa sa mall, nagpasama siya sa kaibigan na mamili ng mga damit para kay Yanis. Awtomatikong dumapo ang kamay niya sa ulo nito. "Aray naman!" daing nito dahil napalakas yata ang kutos niya rito. "Sira ulo mo!" inis na sabi niya na hindi pansin ang iniindang sakit ng kaibigan. Kung puwede nga lang ipagsigawan niya rito na kaya siya blooming dahil sobrang in love siya ngayon at totoong nadiligan siya, si Grey ang nagdilig sa kanya at hindi ang tinutukoy nitong arkitekto. "Ito naman, hindi na mabiro. Ang ganda mo kasi ngayon, eh. Well, maganda ka naman talaga pero may kakaiba kasi sa itsura mo ngayon na hindi ko maipaliwanag. Hindi