Third Person's POV "And... cut!" sigaw ni Direk Raden. "Very good, Grey. Good job! You gave to me what I'm looking for, you nailed it!" papuri nito kay Grey nang matapos ang napakabigat na eksenang iyon. Agad pinunasan ni Grey ang mga luha na tumulo sa kanyang mga mata. Inabot niya ang bottled water na ibinigay ng kanyang assistant at agad nilagok ang laman niyon. Naupo siya sa espesyal na upuan na laan para sa kanya at ini-relax ang sarili. Sa sobrang intense ng akting niya kanina at sa rami ng luha na inilabas niya ay nauhaw siya nang husto. "Everyone! that's it for now. Pack up na tayo," pahayag ni Direk Raden ilang minuto bago natapos ang eksena ni Grey at ng leading lady nito. _ Papunta siya sa birthday party ng kaibigang si Carl. Nakasakay na siya sa kanyang sasakyan at handa