Third Person's POV Pagkatapos maligo at makapagbihis ay uminom lang saglit ng fresh milk si Zaida at tinungo na nito ang garden kung saan naroon si Yanis kasama ang anak ng kanilang kasambahay. Naglalaro ang dalawa ng lutu-lutuan gamit ang kitchen toys na binili niya rito noong isang araw. "Yanis, sweety, I'm leaving for work. Can you give Mommy a goobye kiss?" aniya rito. Mabilis na tumayo ang bata ng marinig ang boses niya. Iniwan saglit ang kalaro at sinalubong siya. "Take care, Mommy. Be a good girl," anito sabay halik sa pisngi niya. Saglit na natigilan si Zaida sa huling sinabi ng anak na 'be a good girl'. Ipinilig niya ang ulo ng maalala ang ginawa niyang pang-aakit kay Grey noong isang araw. Naging good girl ba siya nang araw na 'yon? Ito ang gusto niyang itanong sa kaniyang