Third Person's POV Biyernes Pumunta si Zaida sa isang event nang araw na iyon. Nag-launch ng bagong produkto ang KYLA Cosmetics, isang kilalang cosmetics company sa bansa at naimbitahan siyang dumalo ng may-ari nito na isa sa kaniyang mga espesyal na kliyente. May ilang mga celebrity rin ang naroon. Nasisiyahan naman si Zaida at naging successful iyon, maraming tao ang nagpakita ng interes sa produkto. Inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng lugar, ito ang pinakamalaki nilang store na matatagpuan dito sa Ortigas. Abala siya sa pagtingin ng iba pang mga produkto sa store na'yon. Naiingganyo siyang subukan ang mga make-up nila rito kahit na may specific brand na siyang ginagamit. Maganda ang packaging ng mga produkto at talaga namang nakakaakit sa mata ng mga tao. Habang nag-iikot sa pa