"Hello, guys. Look who is with me," wika ni Vince nang makalapit kami sa table nila Joy, Mary, at tatlo pa nilang kasama. Isang babae at dalawang lalaki.
Kaagad na napaangat ng mukha si Joy kahit na busy siyang nakikipagdaldalan sa mga kasama nila. Then, her jaw dropped when she saw me. Sumabay pang nanlaki ang kanyang mga mata. It was too funny but I kept my cool.
"Alam kong hindi ikaw si Astrid! Stella!" Tumili si Joy nang sambitin niya ang pangalan ko. Tumayo pa siya at lumapit sa akin para yakapin ako. Tumalon-talon pa siya sa tuwa kaya pati tuloy ako ay napatalon na rin.
Ganito pala ang pakiramdam na nakakalabas ka. Masaya ang mga kaibigan ko na nandito ako ngayon kasama sila. Nagagalak ako. Hindi ko mawari ang pakiramdam ko. Kahit hindi pa umabot ng isang oras ay ang sarap pala sa pakiramdam. Ramdam ko ang adrenaline sa katawan ko. Masaya akong at hindi ko pinagsisisihang umalis ako ng apartment kahit ngayong gabi lang.
"Anong nangyari? Anong nakain mo? Bakit nandito ka?" tuluy-tuloy na tanong ni Joy sa akin. "Teka, umupo nga muna tayo." Natawa ako sa kanya dahil kitang-kita ko gaano siya kasaya na nandito ako.
"Hindi ka ba makapaniwala, Joy? Kasi ako din, eh," ani Mary.
Pinakilala nila sa akin iyong tatlong kasama nila. Sakto namang dumating na rin iyong mga kaibigan ni Vince na dalawa pang lalaki. Natuwa ako dahil magkatabi kami ni Vince. Nakapagitna ako sa kanilang dalawa ni Mary. Si Joy naman ay kaharap ko at katabi niya iyong tatlong pinakilala nila. Katabi naman ni Vince iyong dalawang kaibigan niya.
"So, bakit? Anong nangyari? Bakit bigla ka na lang sumulpot ngayon?" nai-intrigang tanong ni Joy sa akin.
A shy smile crept on my lips before I started explaining.
"Umalis kasi si Astrid. Siguradong ilang araw pa bago siya bumalik kaya naisipan kong sumama sa inyo."
Naningkit ang mga mata ni Joy. "Weh? Nag-away kayo, 'no?"
Huminga ako ng malalim at tumango ng isang beses. "Naisip ko rin na ngayon lang naman ako lalabas. Tsaka gusto ko lang din kayong makasama. Wala naman sigurong masama..."
"Ah, iniisip mo pa rin iyang kapatid mong spoiled brat. Sa ginawa mo ngayon, parang tumakas ka lang kasi umalis siya. Hindi niya malalaman na umalis ka," ani Mary.
"Doesn't matter," ani Vince. "Ang importante kasama natin si Stella ngayon. Karapatan mo namang mag-enjoy paminsan-minsan, Stella." Ngumiti si Vince sa akin at sabay namang uminit ang pisngi ko.
Gumaan ang loob ko sa sinabi ni Vince kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya.
"Huwag ka ma-guilty, Stella. Tama si Vince. Karapatan mong mag-enjoy. Kung tutuusin, sobra na ang kapatid mo. Sorry not sorry." Nagkibit-balikat si Mary.
"Huwag na muna natin pag-usapan 'yan. Mag-enjoy muna tayo," suhestiyon ni Vince.
And I did enjoy the night.
We danced on the dance floor habang nagpapatugtog ang DJ. Nahihiya pa ako noong una dahil hindi ako sanay. Pinilit akong hilahin ni Joy kaya hinayaan ko na at nagpatianod. Sumabay sina Vince kasama ang mga kaibigan niya. Hindi ko mawari ang ganitong pakiramdam. Napakasaya. Dala na rin ng alak na ininom namin ay tuluy-tuloy ang pagdaloy ng adrenaline sa aking katawan.
Habang sumasabay ako sa tugtog ay siya namang pagkiskis ng braso namin ni Vince. Unti-unti kong nararamdaman ang pag-init ng mukha ko. Hindi niya pala alam na may lihim akong pagtingin sa kanya. Crush lang naman. Marahil ay sa kanyang pagiging mabuti sa akin. Napaka-gentleman niya sa akin simula noong nagtrabaho ako sa Chronos.
Sa dami ng nainom kong alak sabay ng tubig ay siya namang pagpaparamdam ng pantog ko. Umalis ako kaagad sa dancefloor at lumapit sa isang waiter na may hawak na tray na bilog na may nakapatong na mga margarita.
"Excuse me, saan po iyong restroom?"
"Sa kaliwa," sagot ng waiter saka na ito umalis.
Ginawa ko ang kanyang sinabi ngunit sa pagliko ko sa kaliwa ay napansin kong mahaba itong hallway. Nakita ko naman agad iyong sign sa di kalayuan na naroon nga iyong restroom. Habang naglalakad ako ng diretso ay nakaramdam ako na tila ba may nagmamasid sa akin. Ngunit nang lumingin ako ay wala namang tao.
Nagtuluy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa restroom. Nakaihi naman ako. Paglabas ko ay wala naman akong napansin na kung ano hanggang sa makabalik ako sa table namin nila Joy.
Nagpapahinga lamang ako sa table habang sila Joy ay nakikipagharutan na sa kabilang table. Natatawa na lang ako sa kanya. Hanggang sa mahagip ng mata ko itong elevator na bumukas. Lulan niyon iyong nakamaskara kanina kasama iyong mga naka-American suit. Mga bodyguard niya siguro?
Ganoon ba siya kayaman? Bakit naman naka-maskara pa siya? Parte ba iyon ng party sa itaas? Bakit parang nagmamadali silang umalis?
At bakit masyado naman akong interesado?
Hanggang sa nawala na sila sa paningin ko. Sakto namang bumalik sina Joy at Mary sa table namin.
"Ayaw mo bang lumandi diyan, Stella? Nang makahanap ka na ng boyfriend!" aliw na sambit ni Joy nang maupo siya sa tabi ko.
"Wala akong interes, Joy," sagot ko naman.
"Baliw ka talaga! May mga lalaking nagtatanong sa amin kung sino ka! Umalis ka kasi kanina, eh. Sayang ang gugwapo pa naman!" aniya pa. Umiiling na lang ako kay Joy habang nakangiti.
"Sayang ang ganda mo, ano ka bang babae ka!" dagdag pa niya. “Ayoko namang agawan ka sa mga papi. Marami na akong lalaki alam ninyo naman yon.”
“Sino? Si Jungkook? Te, marami tayong nakapila,” ani Mary.
“Lumipat ka na, Mary. Kay Taeyung ka na lang,” sambit ni Joy.
Pabalik naman sina Vince sa table namin kasama iyong dalawang tropa niya habang nagbabangayan itong dalawa sa mga Kpop na iniidolo nila.
Naalala ko tuloy iyong paraan ng pagsayaw namin kanina ni Vince. Nagdidikit iyong mga braso namin. Aware kaya siya? O ako lang? Sinasadya niya ba iyon?
"Let her enjoy the night however she wants, Joy. Okay na iyong kahit papaano nakakalabas si Stella," sabat ni Vince nang mapagtanto kong bumalik pala sa akin ang pinag-uusapan nila ni Mary.
Napabuntong-hininga ako. Paanong hindi ako magkaka-crush kay Vince kung ganito niya ako tratuhin? Napakabait niya sa akin.
Ngumuso na lamang si Joy at hindi na ako kinulit pa. Matapos ang isa pang oras ay napagdesisyunan nang umuwi nila Joy. Hinatid ako nila Joy sa apartment.
Sa pag-uwi ko ay wala pa rin si Astrid. Marahil ay natuloy talaga iyong beach outing nila.
Kinabukasan, usual na pumasok ako sa trabaho. Walang gaanong ganap. Umuwi rin ako kaagad dahil wala naman akong pupuntahan at maglalaba pa ako ng mga uniporme at mga pambahay kong mga damit.
Ipipihit ko na sana iyong door knob ng apartment nang bigla itong bumukas ng marahas. Nagulat ako nang bumungad sa harapan ko si Astrid.
Teka, bakit ang aga niyang umuwi?
“Stella! Bilis!” Nagmamadaling hinila ni Astrid ang kamay ko. Nagmamadali niya akong kinaladkad papasok sa kwarto namin. Napakunot ako sa hawak niyang kulay pulang envelop na tila isang letter.
“Bakit ang aga mong nakauwi? Hindi ba nasa beach kayo?” pagtataka ko. “Tsaka bakit ka nagmamadali? Anong nangyari?”
“Stella, tingnan mo ‘to,” inabot sa akin ni Astrid iyong pulang maliit na envelop. Kunot-noo ko naman iyon na kinuha.
Nang buksan ko iyong envelop ay binasa ko iyong nakasulat. Napakaganda ng pagkaka-cursive ng sulat. Kulay gold pa ang tinta. Para bang engrandeng Disney ball ang pupuntahang party sa sulat.
Miss Perez,
You are chosen to wear bridal gowns skillfully made by our own designer to be shoot by your modeling agency. You can choose the best bridal gown for you to be worn as your final photoshoot as a married woman.
Yes, our boss has chosen you to be his wife. He owns a lot of private properties that can be shared with you when you become his legal wife. However, such conditions will be made upon accepting this invitation. Plus, your immediate family will be given monthly allowance after you get legally married.
Hoping you are the one our boss is looking for a wife.
Sincerely
Matapos kong basahin ay hindi ko nang nagawang makapagbigay pa ng reaksyon dahil inunahan na ako ni Astrid.
“Stella! Ikaw iyan! Ikaw ang napili nila! Pumayag ka na! Yayaman na tayo!”
“Astrid, sayo ibinigay ang invitation letter. Ikaw ang inaasahan nila, hindi ako,” saad ko.
Nawala iyong excitement sa mukha ni Astrid at napalitan ng pagkainis. Alam ko rin namang peke ang kanyang excitement dahil kilalang-kilala ko ang ugali ng kakambal ko.
“Hindi ko kaya. Hindi ko kayang pakasalan ang lalaking hukluban na yon na malapit ng mamatay. Ano? Mag-aalaga ako ng asawa? Ayoko, Stella. Ako ang dapat alagaan. Ako ang reyna ng magiging asawa ko. Hindi ako nurse o maid na aalagaan ang lalaking yon. Please, Stella, pumayag ka na. Hindi na natin kailangang magtrabaho kapag pinakasalan mo yung lalaki na yon. Isipin mo, may monthly allowance lang ako samantalang ikaw mas higit pa doon ang matatanggap mo. Hintayin mo na lang siyang mamatay at mapapasayo ang lahat ng ari-arian niya. Ayaw mo ba yon? Magiging milyonaryo ka na!”
Sumukip ang dibdib ko sa kasakiman ng kapatid ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko aakalain na aabot siya sa ganito.
“Alalahanin mong may malalaki tayong utang nila mama at papa na pinagtataguan natin matapos nilang mamatay. Kailangan nating mabayad ang mga yon. Matagal na tayong nagtatago, Stella. May kasong estafa si papa. Si mama naman nabaon sa utang kakabayad sa mga utang ni papa dahil sa sugal niya. Ano? Ayaw mo bang maabswelto tayo?”
Gusto kong lisanin si Astrid. Pero may punto siya. Hindi naman kaya ng sinasahod namin ang halos limang milyong utang nila mama at papa kung susumahin.
Kakapit ba ako sa patalim? Isusuko ko ba ang pagkatao ko sa lalaking hindi ko kilala para sa pera?