Chapter 21 Salubong ang mga kilay ni Sidney nang pumasok sa office ng NBI. f***s sake! Ano bang kailangan sa kanya at ipinatawag sya kahit na on leave sya at binabantayan ang kanyang Destiny? Nameywang sya sa harap ng Ninong General niya matapos niyang makapasok sa office nito. Iniwan niya si Royce sa gitna ng preparasyon nun para sa kampanya, kapalit ang isang agent na kateam niya para bantayan ang binata habang wala sya. Simula na kasi ng busy days ng boyfriend niya at gusto niya na buntutan iyon parati, lalo pa at nang umiwi sila kahapon matapos nun na makipag-usap kay Yvette at hiniwalayan ang babae ay kaagad na may threat na dumating. Isang bata ang nag-abot nun sa kanya pero di naman mapaamin kung sino ang may padala. Di raw kasi kilala ng bata. Alangan namang pilitin niya ang dila