Chapter 38 “Mommy!” Daig pa ni Brandy ang nakarinig ng boses ng multo na halos hindi magawang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Ang Daddy ni Sidney ang napatulala pagkakita sa kanya sa bukana ng pintuan. “Demmit! Our princess!” bulalas ni Nyx, na kaagad na napaiyak pero agad na lumapit sa anak. Sumunod na rin si Brandy na tumulo rin agad ang mga luha. “Jace, Jace, your ate is here. She’s alive!” umiiyak na sambulat ni Brandy sa kapatid niyang nasa video call. “Thank God, you’re alive ate!” bulalas din nun kaya siya man ay napaiyak sa gitna ang angas ng sarili. Pinupupog siya ng yakap at halik ng mga magulang niya at ramdam na ramdam niya ang pangungulila ng mga ito sa kanya. Siya man ay ganun din. “Mi, Di, si Ghuix,” baling niya kapagkuwan sa binatang kasama. Her father looke