33 "Mommy," dinutdot ni Royce ang pwet ng Mommy niya habang nakabaluktot ito sa kama. Sya naman ay nakaupo sa sahig at haggard ang hitsura. Nakasampay ang baba niya sa gilid ng mattress. Kagagaling pa lang niya sa bar at dito na sya dumiretso sa mansion para nga kulitin na naman ang mommy niya about Sidney. It's already one am pero heto sya at nang-iistorbo ng tulog ng may tulog dahil sa letseng pagsinta niya sa girlfriend niyang maton. "Uhhh," his Mom groaned saka kumibot sa pagkakahiga at mas lalong nagsumiksik sa pagkakayakap sa Daddy niyang tulog din. "Mi," dinutdot pa ulit niya. Daig pa niya ang batang sinasaktan ng bagang para manggising ng mommy sa ganoong oras. "What the f**k Royce, magpatulog ka anak." biglang salita ng Daddy niya. "Bukas na anak, kung ano man yan. Pagod na