CHAPTER 24 PROBINSYA MAG-ISANG umuwi sa kanilang probinsya si Pamela. Naroon siya sa probinsyang kanyang kinalakhan kung saan marami nang nabago, ngunit tanging ang isiping marami siyang naging alala sa lugar na iyon kasama ang mga mahal niya ay ang patuloy na nagpapainit sa kanyang mga mata. Tunay na nangulila siya sa lugar na iyon ng Tuguegarao. " Manong, bababa ako diyan sa tapat ng aso. " Mahinang natawa ang binatilyong traysikel boy, hindi niya alam kung si Pamela ba ang tinatawanan nito. " Bago ka rito, Miss? " anito. " Hindi naman. Dito ako pinanganak. Dumalaw lang. " aniya. Tumango ang binatilyong sa tingin ni Pamela ay kaunting kembot lamang ang itinanda niya rito. " Baka pansinin ka ng aso, Miss. Ang ganda-ganda mo pa naman. Dito tayo," Tumigil ang traysikel sa ha