HAPPY “WELCOME BACK!” malakas at masayang bati sa amin ni Jestoni nang salubungin niya kami sa labas ng airport. “Tito Jes!” masayang salubong din sa kaniya ng mga anak. Nag-unahan pa sa pagtakbo sina Kaycee at Tyron para salubungin siya. For three years, kahit pabalik-balik lang siya sa Malaysia -para bisitahin kami, naging malapit na sa kaniya ang mga bata. Lalo na si Kaycee. Naging mabait naman kasi sa amin si Jestoni. Simula nang magdesisyon ako na tapusin na ang lahat sa amin ni Ray, siya na ang kumupkop sa aming mag-ina. Kahit pa nga noong nalaman ko na buntis ako, si Jestoni rin ang umalalay sa akin. Siya rin ang nagpasok sa akin sa isang company sa Malaysia para makapasok bilang isang sekretarya. Maging sa pag-alis namin hanggang sa manganak ako sa nasabing bansa ay siya ang na

