Lumabas ako sa sasakyan at sobrang bigat ng aking mga paa, Sumalubong ang aking ina sa may pintuan at karga niya si Nathaniel. "Mommy ..." masiglang tawag ni Nathaniel at napatitig ako sa inosenteng mukha nang aking anak. Na halatang hindi pa niya alam ang nangyayari sa paligid. Awang-awa ako sa kaniya at dahan-dahan ko siyang nilapitan at muling bumaha ang aking mga luha. Maingat ko siyang kinuha at niyakap nang napakahikpit para kahit papaano ay makahugot ako nang lakas. Karga ko ang aking anak at nilapitan ko ang kabaong ng aking asawa. Hindi pa nga ako nakalapit ay nagsimula nang manghina ang aking mga tuhod at sobrang naninikip ang aking dibdib na para bang gusto kong sumigaw nang sumigaw. "Matthew, ang daya-daya mo naman. Ang sabi mo hindi mo ako sasaktan, sabi mo hindi mo ako