"Alam mo ba kung bakit hindi kita tuluyang ipinakulong? Dahil gusto kitang bigyan ng isang pa pagkakataon na magbago. Carlos, napatawad na kita at kung natuldukan man ang ating relasyon. Sana naman bumangon ka para sa pamilya mo dahil nandiyan sila na lubos na nagmamahal sa 'yo. Carlos hindi ko ito ginusto na hahantong ang lahat sa ganito. Kahit wala na tayo puwede pa naman tayong magiging magkaibigan." "Mahal na mahal kita, Ange at nahihirapan akong kalimutan ka." "Marami pang babae diyan Carlos. Ibaling mo sa kanila iyang naramdaman mo para sa akin. May asawa na ako at mahal ko na siya." Pagtatapat ko sa kaniya. "Ewan ko Ange, kung magagawa ko pang magmahal sa iba. Tama nang nagkamali ako at natukso ako noon." "Carlos, Ibangon mong muli ang iyong sarili at isipin mo ang iyong pami