Addilyn's pov *A year later* "Tuloy na yung proposal bukas?" tanong ko kay Aizel. Nandito kami ngayon sa kwarto, mag kayakap habang nakahiga sa kama. "Yep. You know the plan, right?" tanong niya at tumango ako. *The next day* Hapon na at binihisan na namin ang kambal at pati kami ay nag bihis narin. Papunta kami ngayon sa yate ni Aizel dahil dun gaganapin ang proposal ni kuya kay Claire pero ang alam lang ni Claire ay dun kami mag d-dinner. Nakarating kami sa may tabing dagat at nandito na ang yate. "Mauna na kami sa loob ha" paalam ko at tumango ang mga lalaki. Pumasok na kaming mga babae sa loob ko at buhat ko si Shanelle habang na kay Aizel naman si Andrew. "Ang laki pala ng yate ni insan" bulong ni Riley. "Oo nga eh. Alam mo na yung plano?" bulong ko. "Oks na yun" saad niya