Addilyn's pov Nang makarating kami sa villa ay binaba ako ni Aizel sa sala. "Diyan ka lang" utos niya sakin. Luh? Galit pa rin siya? Tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang mga braso ko dahil kita na ang b*a ko dahil nabasa ang sobrang nipis kong sando. Habang patingin tingin lang ako sa paligid ay may biglang nag lagay ng towel sa ulo ko. Humarap siya sakin at pinunasan niya ang basa kong ulo. "Tignan mo, kakaligo pa lang natin basa ka na agad" panenermon niya sakin. "Sorry naman. I haven't been in the sea since I was a kid" saad ko sabay nguso. Ipinatong niya ang tuwalya sa batok ko at ginamit ang mag kabilang dulo ng tuwalya para punasan ang pisnge ko. "Mag bihis kana sa taas" saad niya. Tumango ako at umakyat na. Pag pasok ko ng kwarto ay nag halukay ako sa bag ko ng damit. Ackkk!