*Few weeks later* Addilyn's pov "Uyy! Tara gala!" sigaw nila Riley ng makapasok sila sa bahay. "Saan ba?" tanong ko. "Balita ko may bagong bukas na Japanese restaurant malapit lang dito! Tara puntahan natin!" "Pass muna ako" saad ko at umupo sa sofa. "Wow, himala. Anong nangyari sayo ha?" tanong ni Kylie at sinusuri pa ako. "Wala, tinatamad lang ako" "Asus! Kailan ka pa tinamad pag dating sa galaan?" sambit ni Claire. "May something naba?" nakangising tanong ni Riley at tumabi sakin. "Anong something?" tanong ko sa kanya. "Magiging ninang na ba kami?" sabay nilang tanong. "Bat di pa kasi bumuo?" saad ni Kylie. "Oo nga. Kasal na rin naman kayo, may trabaho na din. Oh, kayang kaya na" dugtong ni Claire. "Wala pa sa plano namin yun" "Wala pa sa plano niyo o wala pa sa plano mo?