CHAPTER 47: Awake THIRD PERSON'S P.O.V Nang lumipas ang isang buwan matapos umalis ni Calle sa bansa ay saka naman nagkaroon ng malay si Raizen at ang una nitong hinanap ay si Luna ng magkamalay ito. "Where's Luna?" agad na tanong nito kaya naman agad namang pumunta sa ward si Luna at nag-aalangan pa ang dalaga na lumapit sa kay Raizen dahil ang huling pakikitungo nito sa kanya ay para itong nandidiri sa kanya sa tuwing lalapitan niya ito. "Hey babe, c-come here l-let me hug you," sabi ni Raizen sa kanya kaya naman nanlaki ang mga mata niya dahil naguguluhan siya kung bakit siya nito tinatawag sa dati nilang call sign. "A-are you alright?" nag-aalalang tanong ni Luna sa kanya at agad namang tumango ang lalaki saka siya niyakap nito. Nang yakapin ni Raizen si Luna ay di niya maramdam