CHAPTER 33: The Hidden Secret BLAIR'S P.O.V Dalawang araw din ang nakalipas matapos ang laban namin ni Calle at di pa rin ako makapaniwala na natalo niya lang ako ng ganun-ganun lang. Ni minsan ay wala pang nakatalo sa akin na butler at di pa rin nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyari noong nakaraang dalawang araw. Hindi ako nakaalis ng kwarto ko at hindi rin ako makalakad dahil sa tama na natamo ko kay Calle at naimpeksyon pa nga ang mga sugat ko sa binti dahil inapakan niya ako noon kaya naman nanggigigil pa rin ako sa ginawa niya. Kung pwede lang talagang pumatay ng butler ay napatay ko na sana siya pero mabuti na rin iyon dahil di ko rin alam kung mabubuhay ako sa kanya dahil di lang pala basta-basta ang lalaki na yun dahil nakikita kong desidido talaga siya na patunayan kay Pri