CHAPTER 29: Happiness CALLE'S P.O.V Kinaumagahan ay nagising ako nang maamoy kong may nagluluto sa kusina. Hindi na kasi kami umuwi sa palace kagabi matapos ang nangyari dahil dito na kami natulog sa vacation house ni Raizen kaya naman naramdaman kong namula na naman ang pisngi ko ng maalala ko ang nangyari sa kagabi. "Good morning love," nakangiting turan ni Raizen sa akin ng makapasok ako sa kusina at saka siya lumapit sa akin bago ako hinalikan sa noo ko. "How's your sleep?" sabi ni Raizen sa akin kaya naman nahihiyang napangiti ako saka ako nagsalita. "Good," maiksing sagot ko at tumango naman siya bago naghain sa mesa. Mabuti na lang talaga at makapit ang wig na suot ko kaya naman okay lang kahit matulog akong nakawig dahil hindi naman ito basta-basta matatanggal dahil nakakapit