Nang marating ko ang pool area, napatakip ako sa bibig dahil sa mga buwaya na nakapalibot kay ariyah. Dahan dahan akong naglakad patungo sa tapat ni ariyah kitang kita ko ang kapayatan niya at maraming mga pasa. Shit! Anong ginawa sa kanya ni sabrina?! Bakit ganito ang itsura niya?! Hindi ko maiwasang magalit! Wala sana siya dito ngayon kung hindi lang dahil sakin! Hindi siya dapat nadamay sa lahat ng gulong to! Napahilamos ako sa mukha dahil naiinis ako sa sarili ko! Hindi ko manlang siya naprotektahan! Akala ko hindi na siya babalikan ni sabrina pero nagkamali ako! Lahat na lang ng desisyon ko ay puro mali at wala ng tama! "F-Faith?" Napatingin ako kay ariyah na nanlalaki ang mga mata sakin. Nginitian ko siya. "Iaalis kita diyan teka lang" Nagpalinga linga ako sa palig

