Dumating na ang araw kung saan magkikita kami ni Ariyah kahit hindi pa ako handang makaharap siya wala akong choice kung hindi ang magkita kaming dalawa. Kailangan ko din siyang protektahan lalo na't kilala siya si Sabrina! Masyadong tuso ang babaeng yon.. "Oh Wife? San ka pupunta? Sa office?" Salubong sakin ni Z pagbaba ko ng hagdan. Pilit akong ngumiti sa kanya at siniil ko siya ng halik at niyakap ko siya ng mahigpit. "Naglalambing ka nanaman. Round 3?" nginisihan niya ako at niyakap niya ang bewang ko. Natawa naman ako at napailing na lang sa kaniya. "Tse. Aalis muna ako" paalam ko sa kanya at lumayo na sa kanya. Kahit nagkaayos na kaming dalawa Kahit na pinatawad ko na siya Kahit mahal na mahal ko siya.. Hinding hindi na mababago na nagkasala siya sakin na niloko niya ako.

