Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung naka engkwentro ko ang mga tauhan ni sabrina at hanggang ngayon wala paring lead kung saan nagtatago ang babaeng yon. Ang hirap nga naman hanapin ang taong ayaw magpahanap. Halos dalawang linggo ko na rin binibisita si Ariyah at ang kapatid niya sa condo ko marami ring mga tauhan ko ang umaaligid sa condo ko, ayokong matagpuan pa siya ni sabrina. At walang kaalam alam si Z na nagkaharap na kami ni Ariyah yun din ang kagustuhan ni ariyah na wag munang ipaalam sa asawa ko. Gusto niya siya mismo ang kumausap kay Z. Naalala ko pa ang galit na mukha ni Z nung umuwi akong pagod na pagod at hinang hina dahil sa tama ng baril sa balikat ko. - Nang maihatid ko na yung kapatid ni Ariyah sa condo ko, umuwi nako dahil halos manghina nako dahil sa tam

