Nagising ako sa lakas ng tunog ng phone ni Z. Napalingon ako sa katabi ng makitang tulog na tulog siya ng mahimbing. Napangiti pa ako habang nakatitig ako sa kanya halos mamula ang buo kong mukha ng maalala ang nangyari saming dalawa. Napahimas ako sa tiyan ko sana magkaroon na ng laman to, yun lang naman ang hiling ko baka sakaling hindi niya ako iwan natatakot akong baka isang araw iwanan niya ako at piliin niya si ariyah. Ayoko! Ayokong maghiwalay kami kahit na magmukha nakong tanga, basta nasa tabi ko lang siya, basta akin parin siya. Nabalik lang ako sa realidad ng tumunog ulit ang phone ni Z na nasa side table napabuntong hininga na lang ako at inabot ang phone niya. Ariyah's Calling <3 Nanlaki yung mata ko ng makita ang pangalan kinakabahan ako baka ito na ang huling pags

