Hindi siya mapakali habang hinihintay si Grey na lumabas mula sa locker room kung saan ito nagbihis. Hindi na rin niya makita si Rosie kung saan ito nagtungo dala ang video niya at ni Angelo. Si Angelo man hindi na niya namalayan kung saan nagtungo. Kung bakit kasi ang daming humahadlang para magkamabutihan sila ni Grey. "Hey, Esha," bati sa kanya ni Derrick nang lapitan siya nito. Alanganin siyang ngumiti rito hindi rin niya type ang pakikitungo sa kanya ni Derrick lalo na ang uri ng tingin nito sa kanya, parang ordinaryong babae lang siya o iyung klase ng babae na madaling kalabitin kung tignan siya nito. "Congrats ah, ang galing ni Grey," nakangiting sabi pa ni Derrick sa kanya at lumapit pa ito sa kanya. "Oo nga," tanging tugon niya at namataan si Rosie na palapit sa kanila ni Derri

