"F*ck!" Paulit-ulit niyang mura sa sarili. Makailang beses din niyang sinipa ang sofa na naroon sa sobrang galit na kanyang nararamdaman kay Esha at Angelo. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito siya dahil kay Esha at Angelo, kung bakit hindi niya matanggap hanggang ngayon na sumama si Esha kay Angelo noon at iniwan siya. Hindi pa naman sila engaged noon ni Esha pero halos patayin na niya si Angelo. Kaya mas lalo niyang nais patayin si Angelo ngayon dahil engaged na sila ni Esha at sunud pa rin ito ng sunod sa fiancée niya. "Ano ba ang gagawin ko sa iyo Angelo para mawala ka na sa buhay ni Esha!" Mariing saad niya. Malalaki ang hakbang niyang nagtungo sa may mini bar at naglabas ng alak. Hindi na siya kumuha pa ng kopita at basta na lang niya tinungga ang bote ng alak na hawak niya.

