Dahil na rin sa kondisyon ni Grey lagi niya itong sinasamahan sa tuwing may importanteng meeting ito sa opisina. Kahit hindi pa makalakad ang asawa kailangan pa rin nitong pumasok sa opisina dahil na rin sa dami ng negosyo nito na kailangan asikasuhin, wala naman kasing ibang mag-aasikaso dahil lahat ng Saavedra ay may kanya-kanya ng mga negosyo. Kaya naman pinagtutulungan nilang mag asawa ang pagpapatakbo sa mga businesses ng asawa ngayon. "Anong oras ang therapy ko mamaya?" Tanong sa kanya ng asawa habang pabalik na sila sa opisina nito, katatapos lang kasi ng meeting nito sa may conference room ng hotel at siya ang kasama ng asawa. "4pm," tugon niya sa asawa. "Great matatapos naman ako before dinner,' Grey said. "Yeah. Bakit? May meeting ka pa ba?' She asked. "Nope. Inutusan ko ang

