Paglabas niya ng silid nadatnan niyang gising na si Grey at nagkakape na ito. Natigilan pa nga siya at hindi malaman kung tutuloy pa o hindi na. Paano naman kase walang saplot si Grey tanging brief lang ang suot nito at doon pa nadako ang kanyang mga mata paglabas niya. Kaya naman nailang siya na hindi maipaliwanag. Hindi pa naman napapansin ni Grey ang presensya niya, kaya naisipan niyang pumasok na lang muna muli sa silid at maya-maya na lumabas pag may suot ng damit si Grey. Aatras na sana siya nang mapalingon naman si Grey sa dako niya. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi niya pinahalat ang shock at mabilis na inalis ang mga mata sa kung ano mang makaumbok sa brief nito. "Good morning, Esha," bati sa kanya ni Grey. Napalunok siya. Nag isip pa kung ano ang tamang gawin. Kung aatras

