Naningkit ang kanyang mga mata sa sinabi ni Esha na honeymoon nila ang mas dapat nilang pag-usapan ngayon. "What do you mean, Esha?" He asked habang hindi inaalis ang mga mata sa asawa na nakatayo sa di kalayuan sa kanya at nakatingin ng deretso sa mga mata niya. Katatapos lang nilang maikasal ni Esha, nangako sa harap ng kanilang pamilya na magsasama sa hirap at ginhawa. Malayo sa kasal na nais niyang ibigay kay Esha ang nangyaring kasal nila kanina. Isang bonggang kasal na talaga namang pinapangarap ng mga kababaihan ang nais niyang maibigay kay Esha, iyun nga hindi niya naibigay sa asawa iyon kanina ganoon pa man nais pa rin niyang maibigay ang bagay na iyon sa asawa soon. Kung sakali man na makalakad pa siya iyon ang una niyang gagawin ang pakasalan si Esha sa simbahan at maipasuot r

