Jasmine Red POV* Nagpaikot ikot ako dito sa opisina ni Ton-Ton dahil nag iisip ako ng plano kung paano marerescue ang mga batang kinuha nila. Kasama ko pa din dito si Ton-Ton at si Adrien. "Here." Napatingin ako kay Adrien na may ipinakita sa amin sa laptop niya at nanlaki ang nga mata ko dahil CCTV iyon kung saan nandoon ang mga bata na nakakulong, nakahiga sa hospital beds at may kinadena. Napakamao ako dahil sa nakita at agad kinuha ang cellphone ko at vinideo call ko si Dr. Sparrow. "Jasmine, anong update?" Tanong niya. "Nahack namin ang CCTV sa hospital nila Dr. John at nakita namin ang mga batang hinostage nila." Sabi ni Ton-Ton di kasi ako makapagsalita dahil gulat pa din sa pangyayari. "What?!" "Yeah, ipapasa namin sayo ang mga videos. Baka kasi alam mo kung saan ang mga