Jasmine Red POV* Nasa opisina kami may aasikasuhin lang sandali si Ton-Ton bago kami didiretso mamaya sa dinner. May pinipermahan si Ton-Ton sa gilid habang ako naman ay nireresearch ang pamilya nila Sir Joseph. Sikat nga sila dahil sa mga achievements nilang nagagawa noon lalo na si Ma'am Anastasia. Sinasabi dito na siya ang pinakamagaling na Minestro sa panahon niya. Wala siyang kinakampihan na mga masasama at galit siya sa mga kurap na mga tao. Madali niyang makikita o mababasa ang mga nakapalibot sa kanya at di siya nagpapakita ng ngiti simula nung nangyari noong 25 taon na ang nakalipas at wala namang sinasabi kung ano ang bagay na iyon. Sinabi dito simula bata pa siya ay isinalang na siya ng kanyang Ama na isa ding ministro noon hanggang sa lumaki siya. Siya ang pinakaunang babae