Jasmine Red POV* Napanganga ako habang nakatingin sa lugar na tinatawag nilang England. Agad akong pumunta sa pintuan ng eroplano at napapikit at inamoy ang simoy ng hangin ng England. "Parehas lang pala ang hangin." Kunot noong sabi ko. Narinig ko naman na may natawa sa likuran ko. "It's the same, Wife. So let's go." Sabi niya at tumango ako at muntik na akong mahulog nang mapatingin ako sa baba. May mga bodyguard at may tatlong sasakyan na nakapark. Nakayuko sila sa amin. "Sino sila, Ton-Ton?" Tanong ko. "Bodyguards natin." Inalalayan niya akong bumaba hanggang makarating na kami sa baba. "Welcome Back, Master." Sabi nung babae na matured na ang dating. "She's my Wife." Malamig na sabi ni Ton-Ton. Agad naman napatingin ang babae sa akin. "Nice meeting you, Mrs. Swift. I'm Danica