Jasmine Red POV* "Sino po kayo?" "Me? I'm Dr. James Sparrow. Pero dati yun di na ako Doctor." Sabi niya at lumapit siya sa akin. "But before that. May gusto akong tingnan. Let me see your hand." Inilahad ko naman ang kamay ko at may hinawakan siya doon na kinakunot ng noo niya. "Nawala na ang bagay na yun. Paano nangyari yun?" Mahinang sabi niya pero di ko marinig. Lumayo siya sa akin at umupo sa sofa sa harapan ko. "Dr. Sparrow, gusto kong malaman ang lahat ng bagay tungkol sa akin. Sino ang mga magulang ko at nasaan sila?" Sabi ko sa kanya. "Sasabihin ko yan mamaya pero ngayon magsimula tayo sa pinakadulong bahagi ng kwento tungkol sayo. Kung sino ka ba talaga at bakit ka napunta sa ampunan." Napalunok ako ito na ang pinakahinihintay kong araw ang malaman ang lahat. "Dito sa Engla