TININGALA ni Zarina ang binitawan niyang puting lobo na unti-unting umaangat sa ere. Tanda iyon ng pagpapalaya sa kaluluwa ng namatay. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Mabilis na nangilid ang maninipis niyang luha sa makikinis niyang pisngi. Sa kabila ng pagluha ay pinilit pa rin niyang ngumiti. Kumislot siya nang may kamay na sumampa sa kanang balikat niya. "Kailangan na nating mag-move on. Alam ko, masaya na siya ngayon kapiling ang anak niya," wika ni Esmeralda. Sa kasalukuyan silang nasa sementeryo at nag-alay ng dasal. Inabutan siya nito ng panyo. Tinanggap naman niya ito saka mabilis na pinahid ang kanyang luha. "Napakabait niya sa akin sa simula pa lang na nakilala ko siya. Binuksan niya ang saradong pintuan para papasukin ako. Hindi man lang ako
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books