BAGSAK PA rin ang balikat ni Sasha habang naghihintay ng masasakyang tren. Hindi siya nakasakay sa dumating na tren dahil hindi niya namalayan iyon. Napakalalim na nga siguro talaga ng iniisip niya.
Raiden, ano ka ba? Bakit inakit mo pa ang puso ko kung hindi mo rin naman pala iyon papansinin? Unfair ka talagang ugok ka.
“Sasha!”
Mahal na mahal kita, lintik ka.
“Sasha!”
Kung hindi lang kita mahal ng sobra, ipina-salvage na kita. Pero hindi ko gagawin iyon kahit hindi kita minahal ng sobra. Nakakapanghinayang ang lahi mo, eh. Napasinghot siya nang wala sa oras. Ayan, naiiyak na ako. sinabi ko ng hindi na ako magmumukhang tanga sa harap ng ibang tao. Pero heto pa rin ako.
“Sashaaa!”
Parang itong pesteng nararamdaman ko. Sinabi ko ng ayoko na, pero heto pa rin ako at nagmamahal. Hay! Ayoko na nga. Ayoko ng mangarap. Ayoko ng tumingin. Ayoko ng manalamin. Nasasaktan ang damdamin—
“Miss, ikaw yata ‘yung tinatawag nung lalaki sa kabilang platform.”
“Ha?”
“Kanina pa kasi siya sigaw nang sigaw dun, eh.”
Sinundan niya ang direksyong itinuro ng babae. Nakita niyang si Raiden ang kaway nang kaway sa kabilang panig ng train platform.
“Sasha!”
“Raiden?!” Inayos niya ang sarili nang maisip ang katatapos lang niyang ordeal sa pagkakakita rito at sa babae nito. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ba’t may date ka?”
“Its not really a date!”
“Yeah, right!” Advantage sa kanya na nasa magkabilang panig sila dahil nailalabas niya ang hinanakit niya sa pagsigaw. Iyon lang kasi ang paraan para magkarinigan sila.
“Kath’s my cousin!”
“And I’m the president of this freakin’ country!”
“Sasha—“
“I hate you! Don’t talk to me!”
“Will you listen to me first?”
“Manigas ka!”
“I love you!”
Napansin niyang napa-oohh ang mga tao na kasama niyang naghihintay ng tren sa platform. Pinanonood sila ng mga ito na tila ba isang pelikula ang nangyayari. Meron pa ngang kumukuha sa kanila ng picture sa cellphone ng mga ito.
“Drop dead!” ganting sigaw niya rito.
“I love you!”
“I hate you!”
“I love you!”
“Ewan ko sa iyo!”
“I love you!”
Naiiyak na siya. Maniniwala pa ba siya sa mga sinasabi nito? She’d been hurt more than she could count on her fingers. At sa lahat ng iyon, ito lang ang may kasalanan.
“I love you, Sasha! Please believe me!”
She bit her quivering lips and brushed away the tears that had fallen from her eyes. “Paano pa akong maniniwala sa iyo? Minsan ko ng isinakripisyo ang kaligayahan ko para sa iyo, Raiden. Para lang sumaya ka. Ipinaglaban ko uli ang pagmamahal ko sa iyo pagkatapos nun. Pero binalewala mo lang ang lahat ng iyon. Tapos ngayon sasabihin mong mahal mo ako? Wala ka namang gusto sa akin, eh!”
“Meron! Mahal kita! Gusto mo ng pruweba? Sige, bibigyan kita.” Luminga-linga ito sa paligid nito. “Teka, sandali, maghahanap ako ng pruweba. Darn! Nasaan na iyon?”
“Raiden! Walanghiya ka! Bakit mo ako iniwan sa restaurant? Hindi mo na nga binayaran ng buo ‘yung napag-usapan nating presyo—“
“Kathleen! You’re here, thank goodness!”
Muntik na niyang murahin si Raiden nang lapitan nito at yakapin mismo sa harap niya ang babaeng iyon.
“Sasha, this is my proof!” Iniharap nito sa kanya ang babae.
“Alam mo, Raiden, kung may b***l lang ako ngayon, sabog na iyang bungo mo.”
“Okay. But will you listen first?” Inalog nito ang babae. “Sabihin mo sa kanya kung magkaano-ano tayo, Kathleen, o ihuhulog kita sa riles ng tren.”
“You know, you’re really freakin’ me out sometimes, Raiden.” HInarap na siya ng babae. “We’re cousins, to my utter dismay. Kinaladkad niya ako sa bahay at pinagsuot ng damit na ito at ng lintik na sapatos na ito para magpanggap na babae niya. Para pagselosin ka at nang magtapat ka na sa kanya.”
“What? Bakit ako ang magtatapat sa kanya?”
“Well, don’t ask me. Wala na akong alam diyan sa problema ninyo.” Nilingon nito si Raiden. “Can I go now? By the way, triple na ang interest ng utang mo sa akin. Mahal ang talent fee ko. Ciao!”
“You’re not even an actress.”
“Well, duh. She got jealous, right?”
Habang patuloy na pinakikinggan at pinagmamasdan ang dalawa sa kabilang platform, mas lumilinaw na nga ang tila kakaibang relasyon ng mga ito. And there was nothing romantic to it. Kahit paano ay na-pacify na rin siya. Pero hindi pa rin niya kayang tuluyang magtiwala dito. And she had every right to. Natatakot na siyang masaktan uli.
“Narinig mo na siguro si Kathleen. She’s my cousin. At gaya ng sinabi niya, kinuntsaba ko lang para pagselosin ka.”
“Bakit kailangan mo pang gawin iyon?”
“Nainis ako nang hindi mo ako pansinin nitong mga nakaraang araw! So I investigated. Nagtaka kasi ako na pagkatapos ng maganda nating pagsasama sa Bulacan, bigla ka na lang naging malamig sa akin. And then I called up Laurie. Sinabi ko sa kanya na hindi ako a-attend ng kasal niya kung hindi niya sasabihin as akin ang mga sinabi niya sa iyo. O ang mga sinabi mo sa kanya. Nalaman ko ang plano mo.”
“And you used it against me.”
“No!”
“Kung ganon bakit pinagselos mo pa ako? Puwede namang kumprontahin mo na lang ako tungkol doon. Aamin naman ako kung sakali. Pero pinag-trip-an mo lang ako!”
“Hindi nga—wait right there. Pupuntahan kita. Ang hirap mag-usap ng nagsisigawan tayo ng ganito.”
“Ayoko! Diyan ka lang! Nangigigil pa ako sa iyo! Baka masapak lang kita kapag lumapit ka.”
“Alright.” Tumikhim pa ito, tila ba naghahanda sa mahaba-habang paliwanagan. “Oo, alam ko na nga ang lahat. Wala lang akong sinasabi dahil gusto kong malaman iyon mismo mula sa iyo. Pero alam ko rin na hinding-hindi ka lalapit sa akin dahil nga sa plano mong pahabulin ako sa iyo. I must admit, it was a good plan. Ang kaso, tinamaan ako ng pride ko. Kaya sinubukan kong tapatan ang ginagawa mo. Hindi rin kita pinansin, hindi nilapitan at hindi kinausap. Naisip kong baka sakaling ikaw na mismo ang sumira sa plano mo at lumapit na sa akin para sabihin ang lahat. But I was wrong. I’ve forgotten how tough you were. Nag-backfire din ang sarili kong plano dahil ako ang naka-miss sa iyo nang husto. So made up another plan, iyon nga ang paggamit kay Kathleen. Pero hanggang sa huli, hindi ka lumapit, even after I gave you those shoes to remind you of the things we shared in Bulacan. Napakayabang ko para isipin na hindi mo ako kayang tiisin dahil mahal mo ako. Nang hindi ka pa rin lumapit sa akin pagkatapog ng lahat ng ginawa kong pambubuyo sa iyo, I panicked. Naisip kong paano kung hindi ka na nga tuluyang bumalik sa akin?
“Kaya iniwan ko si Kathleen at bumalik sa office. Pero wala ka na at ang sapatos na lang na ibinigay ko ang naiwan doon. That was the last straw. I knew I’ve played around too much and if I don’t do something I would lose you forever. So, I ran up here.”
“You ran, huh. Hindi halata.”
“Sasha—“
“Paano pa ako maniniwala sa iyo, Raiden?”
“Hindi ko rin alam kung paano ko pa maayos ang tiwala mo sa akin. But please believe me when I say that you’ve changed my life the moment I saw you on that train. The way you took me out of my reverie about Laurie. And the way you made me realize I’m getting over her because of your smile. I knew I had fallen inlove with you that time when I almost kissed at the elevator. Oo, doon pa lang alam ko ng malaki ang impact mo sa buhay ko. Dahil lagi kong hinahanap ang maganda mong mukha at gusto kong lagi kang nasa tabi ko. Kaya hanggat may pagkakataon ay ginagawa ko ang lahat para mapalapit sa iyo. When I held your hand, I feel so calm. When you’re around me, I couldn’t care less of what happens to the world. And when you kissed me, I knew I had found the woman I wanted to spend the rest of my life with.
“Nang magpunta tayo sa Bulacan, wala na talaga akong balak na magtapat kay Laurie. Pumunta lang ako doon for the sole purpose of saying goodbye to her and finally closing the chapter of my life with her. Ipinaubaya ko na siya nang tuluyan kay Joseph, kaya nga tinanggap ko na ang maging bestman sa kasal nila. Dahil may isang tao ng gusto kong maging parte ng buhay ko. So its not true na wala akong gusto sa iyo. In fact, I like everything about you. Your eyes, your nose, your damn sexy lips, your hair, your face. Your height. Everything. I love you. I love everything about you, Sasha. I don’t know what other proof I could offer you. Sa ngayon, mga salita ko lang ang tanging maibibigay ko. Next time, kung bibigyan mo ako ng isa pang pagkakataon, ipapakita ko sa iyo ang lahat ng proof na gusto mo. Just…give me another chance. Please.”
Hinayaan na lang niya ang pamamalisbis ng mga luha sa kanyang pisngi. He had given her more than enough proof. The mere fact na nagsalita ito ng ganon kahaba, na inilabas nito ang tunay na damdamin, sa harap ng maraming taong iyon sa dalawang platform, those were enough proof to her.
“Gago ka talaga, Raiden,” sambit na lang niya. “Siraulo ka. Baliw…”
“Oo, baliw na nga siguro ako! Nababaliw na ako sa pagmamahal ko sa iyo!”
“Ang korni mo.”
“PInapatawad mo na ba ako ng lagay na iyan?”
“Titigilan mo ba ako kung sakaling hindi?”
“No.”
“Then I forgive you. And, Raiden?”
“Yes,” he asked in a breahtless whisper.
“I love you too. Halika na dito nang masabunutan na kita. Ang dami mong atrasong dapat pagbayaran.”
“Yes, Ma’m!” At basta na lang ito tumalon sa riles ng tren.
Napuno ng ingay ng pito ng mga guwardiya roon at palakpakan ng mga tao ang buong paligid. Inalalayan ng mga guwardiya na makaakyat agad si Raiden sa platform nila bago pa dumating ang tren.
“Sir, kung hindi lang ako naantig sa mga sinabi mo, ipapatapon ka na namin sa detention cell namin.”
“Salamat. Pasensiya na sa abala.” And then he turned to her.
At last, nagtagpo na rin sa wakas ang landas ng mga puso nila. He walked towards her and just kissed her without any words. And anyway, hindi na rin naman nila kailangan pang magsalita. Alam na nila ang damdamin ng isa’t isa. Nasabi na ang mga dapat sabihin. There’s nothing more to left than just the two of them and the sweetness of their kisses.
Dumating na at nakaalis na ang tren ngunit nanatili sila roon na patuloy na pinagsasaluhan ang tamis ng kanilang mga halik. Wala ng sinoman sa kanila ang kailangang umalis. Dahil narito na sila sa piling ng isa’t isa.
THE END