CHAPTER 8

868 Words
HINAHALUNGKAT NI Sasha ang kanyang bag para sa coin purse niya habang naglalakad.  Isang dyip pa kasi ang kailangan niyang sakyan bago tuluyang makarating sa bahay nila.  Ganito siya gabi-gabi pagkagaling sa trabaho.  Masyado kasing mahal kung magta-tricycle siya.  Ngunit hindi pa man niya nasisilayan ang pinakamamahal niyang mga barya at naramdaman na lang niyang may humablot sa kanyang bag. “Ano ba!?”  She grabbed on her bag.  Hindi niya iyon ibibigay sa mga lintik na snatcher na ito.  “Bitiwan nyo ang bag ko—“ Isang nangingintab na balisong nakapagpatahimik sa kanya.  “Ikaw ang bumitaw kung hindi, magkakaroon ka ng gripo sa ngala-ngala.” Agad niyang pinakawalan ang bag at pinagmasdan na lang ang papalayong motorsiklo na kinasasakyan ng dalawang snatcher.  Patakbo na siya sa pinakamalapit na police station dahil may kadiliman ang kinaroroonan niya at wala pa gaanong taong dumaraan.  Nang mamataan niya ang isang kotseng pasalubong sa motorsiklo.  Nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto ng driver’s seat ng kotse, dahilan upang tamaan ang kasalubong nitong motorsiklo.  Umibis mula roon ang isang matangkad na lalaki at hinarap ang mga snatcher na nakatayo pa rin at sinugod saksak ang lalaki.  Naitakip na lang niya sa kanyang bibig ang kanyang mga kamay habang pinagmamasdan ang eksena sa kanyang harap.  Kung paanong walang kahirap-hirap na nailagan ng lalaki ang mga unday ng patalim dito at kung paano rin nitong nadis-armahan ang mga snatchers.   With a fluid movement only seen to those who has professional trainings in martial arts, tig-isang tila simpleng tapik lang sa mga kamay ng snatchers ay nabitiwan na ng mga ito ang mga patalim.  Another solid movement from the tall man and the two fell to the ground, both unconscious.  Parang gusto niyang pumalakpak.  That was one hell of a move!  Ang galing!  Mabilis niyang nilapitan ang lalaki nang damputin nito ang kanyang bag. “Ang galing mo, ah!  Grabe!  Parang nanonood ako ng mga pelikula ni Jet Li.  Hanep!  Angas—“  Natameme siya nang sa wakas ay humarap sa kanya ang lalaki.  “Raiden?” Agad nagsalubong ang mga kilay nito.  “You!  What the hell do you think you’re doing walking in a place like this?” “Ahm…dito ang daan papunta sa amin—aray!”  Isinalpak nito sa kanya ang bag niya. “Sa susunod, huwag kang tanga.  Alam mong walang street lamps dito, dito ka pa rarampa.” Napilitan siyang yakapin ang bag.  “E, dito nga ang daan papunta sa amin.  Ikaw, anong ginagawa mo rito?” “Wala.”  Marahas nitong binuksan ang pinto ng kotse nito.  “Nakita ko lang ‘yung nangyari kanina.” “Ibig mong sabihin, hindi mo ako nakilala?” “Ano naman ang palagay mo sa akin?  Namimili ng taong tutulungan?”  papasok na ito sa kotse nang tila may kung anong maalala.  “On second thought, kung alam ko lang na ikaw ang tangang naglalakad sa may kadilimang lugar na ito, sana pala hinayaan na lang kita.” He called on his cellphone and reported the incident.   Ang sama naman nito.  Pababayaan na lang akong ma-snatch-an ng bag?  Kunsabagay, kunsensiya mo na iyon kung hindi mo ako tinulungan.  Ikaw naman ang mapupunta sa impiyerno.  Nilingon niya ang mga nakahandusay pa ring snatchers sa sementadong kalsada.  Pasimple niyang pinagsisipa ang mga ito. “’Yan, ‘yan!  Mabuti nga sa inyo iyan.  Ano, ha?  Lalaban pa kayo?  Sa susunod, pipili kayo ng bibiktimahin.  Ha?  Ha?” “Kapag nagising ang mga iyan, iiwan kita sa kanila.” Mabilis naman siyang umurong palapit kay Raiden.  Lampa siya at walang sa pagtatanggol sa kanyang sarili kaya mabuti ng dumikit siya sa puwedeng magtanggol sa kanya.  Kahit napipilitan lang ito. “Raiden, salamat, ha?  Mabuti na lang at dumaan ka dito sa lugar namin.” “Hindi na ako dadaan dito kahit kailan.  Ayoko ng makakita ng mga tangang tao.” “Ang sama mo talaga.”  Nanggigigil niya itong hinampas sa dibdib na agad din naman niyang pinagsisihan nang mapasinghap ito ng malakas.  Doon lang din niya napansin ang punit sa tagiliran ng suot nitong polo at ilang mantsa ng dugo.  “Raiden!  May sugat ka!” “Wala.” “Anong wala?  Iyan, o!  Kailangan mong madala sa ospital.  Baka maubusan ka ng dugo!” “That’s just a mere scratch.  Malayo sa bituka.” “Our dog died of a mere scratch!” “Don’t compare me to a dog.” Hindi na niya alam kung ano pa ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.  Gusto niyang batukan ito dahil sa pagwawalang bahala nito sa kalagayan nito.  And at the same time, gusto rin niyang itong yakapin dahil…dahil…Nakita niya ang balisong na malapit sa kanyang paanan.  Dinampot niya iyon at itinutok dito. “Ano?  Sasama ka bang magpa-ospital o gusto mong tuluyan na kita ngayon at nang hindi ka na maghihirap ng matagal?” Humalukipkip lang ito.  Saka naman biglang nagliwanag ang paligid at napuno ng ingay ng mga sirena ng pulis. “Itaas mo ang iyong mga kamay!  Mga pulis kami!” Automatic naman niyang binitiwan ang balisong at itinaas ang kanyang mga kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD