Chapter 9 "V-Vian, andito na sina Mama." Tawag ko kay Vian sa taas ng bahay nang dumating ang mga pamilya namin, nagbibihis na ata siya ng damit na komportable para sa biyahe namin papuntang Ilocos, mamaya na rin naman na ang trip namin eh, bale separate ang sasakyan na gagamitin namin ni Vian sa aming families, pero kasama namin ang batang babaeng kapatid ni Vian na si Tracy kasi wala nang space ang iba pang mga sasakyan, bale lima lahat ng sasakyan ang magagamit namin papuntang Ilocos, marami kasi kami eh kaya huwag nang magtaka saka nagdala pa ang pamilya ni Vian ng mga kasambahay at gwardya. "I'll be there in a minute." Walang emosyong sagot naman niya sa akin mula sa kwarto. "Ate Lean!" Napatingin ako kay Tracy na patakbong lumapit sa akin, ang cute talaga ng batang ito. Nakuha niy