Jelsea's POV Hindi ako mapakali habang nakaupo ako sa kama ko at hinihintay na magising si Master Walden. Sana gumising na siya para maitawag ko na kay Nanay Caring ang almusal na gusto niya bago ako magpaalam sa kaniya na baba para magtungo sa baba at kumain na rin ng almusal. Palusot ko lang ito para sana ay makatawag ako sa bahay. Sana payagan niya ako para naman makausap ko sina Daddy at Mommy at mapanatag ang kaba ko rito sa aking dibdib. Ang problema, hanggang ngayon ay masarap pa rin ang kaniyang tulog at hindi ko alam kung anong oras na siya gigising. Paano, nagkayayaan ang barkada nila kagabi na mag-inom dito sa bahay niya. Halos madaling-araw na yata sila natapos at anong oras na rin siya natulog kanina. Kaya naman heto at knock out pa rin sa kaniyang kama ang moody kong amo.

