Walden's POV Tutok na tutok ako sa pakikipag-usap sa mga magulang ni Jelsea. We’re talking about the details of the wedding. Kaya naman hindi ko siya masyadong nabibigyan ng atensyon dahil engrossed ako sa pakikinig sa mga mungkahi ng mga magulang niya. Saka lang ako babaling sa kaniya kapag may tinatanong sa kaniya ang Mommy at Daddy niya na agad naman niyang sinasagot. Hindi naman siguro siya magtatampo sa akin kung medyo mawala ang atensyon ko sa kaniya. Gusto ko lang ipakita sa mga magulang niya kung gaano ako kaseryoso na pakasalan siya. Na gusto ko bawat detalye ng kasal namin ay kailangan na maging mabusisi ako para walang pumalpak at maging problema pagsapit ng araw ng kasal namin. Iyong wala ng iisipin ang aking bride kundi ang paglalakad na lang niya sa aisle at maging pinaka

