Walden's POV “Is the car ready?” I asked my bodyguard Matias when I saw him entering the door. He's probably here to tell us that the car is ready. Ang tagal naman niyang bumalik sa totoo lang. Mag-che-check lang ng tire eh halos treinta minutos ang itinagal. Kanina pa kami naghihintay ni Jelsea rito sa sala at kita kong bored na siya habang nakatingin siya sa crystal na chandelier na hindi ko alam kung ilang dekada na ang tinatagal dito sa mansion. Probably three or more yata dahil narito na ito noong nagkaisip na ako. “Yes, boss. Handa na.” “Bakit ang tagal niyo yatang sinuri ang mga gulong? Sabi ko kagabi pa ninyo gawin iyan dahil malayo ang biyahe natin ngayong araw. Bakit ngayon niyo pa inatupag? It's already eight o’ clock in the morning. Anong oras na tayo makakaratong sa part