Jelsea's POV “She will beg for me…” Hindi kaya! Nungka na gagawin ko ang sinabing ito ni Master Walden. If may magmamakaawa man sa aming dalawa, siya iyon. Chos! Siya nga ba? Pinilig ko ang ulo ko para pawiin ang mga salitang ito na kanina pa pabalik-balik sa isipan ko. Ilang oras na ang nakalipas pero heto pa rin ang tumatakbo sa aking isipan. Nasa may teresa sila ni Dr. Justin, kumakain ng almusal si Master Walden habang si Dr. Justin naman ay nagkakape. Nakatingin ako sa kanila mula sa loob ng kwarto. Nakabukas ang pinto sa teresa ng kwarto kaya kitang-kita ko sila rito sa pwesto ko. Pasulyap-sulyap ako kay Master Walden habang tinutupi ko ang kumot na nakakalat sa ibabaw ng kama niya. Hindi ko alam pero parang gusto ko ng kabisaduhin ang bawat parte ng mukha niya. Lahat ng ang