Jelsea's POV “Mauna ka ng maligo sa banyo. Magpapahanda lang ako ng makakain natin sa katulong. Nagpaluto ako ng mga paborito mo,” turan ni Master Walden nang wala na kaming maisip pag-usapan. Bigla akong nakaramdam ng gutom sa sinabi niya. Saka ko lang naalala na hindi pa pala kami naghahapunan at mas inuna ang ibang kainan kanina. Nakakabusog naman kasi ang pinagsaluhan namin sa loob ng sasakyan niya kaya parang hindi ko ramdam ang gutom. Ngayon, need ko ng energy dahil malamang, magdamagan na naman mamaya ang continuation ng love making namin. I’m sure hindi niya matutupad ang isang round lang. Knowing him, I know kung gaano siya kasabik sa akin. “Ahm…okay. Pahiramin mo ako ng pagpapalitan kong damit. Ayaw kong isuot ang damit na aking pinagpalitan,” turan ko sa kaniya nang maisip ko

