Walden's POV “Susundin mo ba ang pakiusap ni Jelsea sa ‘yo, Kor? Oh, ililibing na lang natin ng buhay ang mga walang puso na taong iyon?” Tiim-bagang na sabi ko. Nakatutok ang mga mata ko sa harapan ng sasakyan kung saan ay binabagtas na namin ang daan papunta sa hideout namin kung saan ay matagal na pa lang nakakulong ang anak ni Givenchy na si Givo at ang katulong ko na si Selya na nagawang makipagsabwatan sa kalaban ko para lang makuha ang kaniyang gusto. Tsk! Tsk! Tsk! Akala naman kasi niya ay magagawang tuparin ni Givo ang kaniyang nais. Ang hindi niya alam ay pinaikot lang siya ni Givo sa kaniyang mga kamay at ginamit lang siya ng lalaki para ipaghiganti ang ama nito na namatay sa riot. Tinulungan siya ni Givo na mawala sa landas ko ang mag-ina ko ngunit hindi siya natulungan ng

