Walden's POV “Pare, relax. Kumalma nga. Kami ang nahihilo sa pabalik-balik mong paglalakad” Sita sa akin ni Kor na hindi na yata nakatiis na pagsabihan ako. “She will arrive soon. Kalma ka lang, okay. Nakakahiya sa mga bisita iyang ginagawa mo. Mamaya isipin nila na may problema kayo ng bride,” payo naman sa akin ni Sky nang pigilan nila ako ni Kor na huwag akong lumabas ng simbahan at manatili lang sa pwesto ko. “f**k!” Mahina kong mura. I know it's bad to curse here inside the church. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Naiinis ako and at the same ay nangangamba ng matindi. What if she didn't come here? What if she changed her mind and ran away again from me? Ito ang mga naglalaro sa isipan ko kahit alam ko naman na hindi niya maiisip iyong gawin. I know Jelsea loves me so much. H

